Monday, November 9, 2009

AMBUHAY NGA NAMAN OO........





Parang

BEER!!!



'nakngtet*ng!!!pweeeh!!!

Monday, November 2, 2009

UMA-UPDATE

Babala:[bey-beh-lah]something that serves to warn, give notice, or caution...(ok,dinifine ko lang ang meaning ng babala.wala talagang babala ang post na'to) .

..Sa ilang ulit na pabalik balik sa ospital ,napagod na rin siguro si Lurene kaya isang oras lang nakalipas pagkatapos magsilayas ang lahat ng dumalaw sa Suite nya nung gabing yun...tooooooooooooooootttt..FLATLINE!......tuluyan na syang di huminga , habang buhay ng namahinga at di na namin makikita pa. May umiyak na parang baka na kinakatay..meron naman gumulong sa kakaiyak na parang walang nars na nakakita,at meron naman di mapakali at umupo na sa Granitong sahig ng hallway sa ospital.Ang lungkot ng eksena habang ang 3mos old pa lamang noon na si lurene ay hinahalikan ko kahit itoy wala ng buhay.

Eniwey far away,si Lurene ay sinilang na may cleft palate o palatoschisis o sa mas kilalang harelip.Naoperahan agad ilang linggo after sinilang ngunit ang lahat , habang syay nabubuhay ay puro hirap ...bawat minuto umiiyak dahil di nabubusog.Eh! pano mabubusog,lahat ng intakes ay kusang lumalabas dahil kung hinde,malamang di sya makakahinga...Ang dahilan?sabi ng x-ray at ng mga doctor nya na napakarami,Bumaliktad o nag twist ang mga body organs nya.....ibig sabihin pati heart (naks english) , imbes na nasa bandang kaliwa,eh nasa bandang kanan na at lahat ng intestines labo-labo na parang kinusot at piniga ng isang labandera.ok ,tama ka,daming inborn abnormalities ng bata na yun.Kawawa na kung kawawa.....kung pwede nga lang ako na lang umako ng sakit nya at sya na lang ang mag blog ngayon.....kaso huli na ang lahat....di nya alam password ko.haha.

Bago pa lang sinilang si Lurene ay lubos na kaming nag-aalala dahil ang mommy nya (na utol ko) ay delikado ang pag bubuntis.Bakit ka nyo? hehehe...eh isa din kasi yun eh miyembro rin ng out of dis world HOOMANS ,kumbaga,isa syang ambilibabol na nilalang..hahaha!!!eh ikaw kaya mabuntis eh 3 yrs old ka pa lang?kaya mo?eh pati nga si momskie at papsie di alam kung sinong pagbibintangan nakabuntis..alangan namang ako?! shet is you!!!eh lampas isang taon pa lang ako nun at wala pang kamuwang muwang sa mundo.Kaya ayun,na flip si erpats,eh sundalo pa naman tas makikita mong nagulantang,nawindang at lahat na ng pagka gulat banggitin mo na,tinubuan na rin ata ng bangs...hahaha!!!siguro napraning ng husto si ermats noon sa nangyaring yun..hahaha..di ko na inalam ang tawag sa kondisyon na yun ng utol ko pero ang maliwanag saken nung nakita ko (ilang taon makalipas ) ang fetus na nasa garapa..yun daw ang Kambal ni utol na pumasok sa tiyan nya habang sya ay binubuntis ni momskie..tatlong taong nagbuntis si ateng!!,.Haneeep!!!kaya ayun,maaga pa lang bugbog na ang matris kaya nahirapan sa pagbuntis sa una sana nilang anak na si Lurene..ang abnormal lang???hahaha...teka,ang haba na ng wento ko..pwede na nga!!..Gusto ko lang naman talaga ipagdasal ang Kaluluwa ng AKing paboritong pamangkin dahil all saints day yesterday at all souls naman ngayon...Ikumusta mo na lang ako kay Lord Lurene.3yrs ka na jan kaya malamang nagsasalita ka na ,pakisuyo,pakisabi kay Lord madami nang naadik sa facebook kaya mag palagay na rin kayo jan.laro tayo ng poker..at mag Stat message ka rin.hehehe.nga pala,Sana ok na ang leeg mo,parang nabali ko kasi nung nilagyan kita ng ribbon sa casket mo eh..di ko kasi naisip matigas ka na pala nun eh inangat ko pa ulo mo.lols.I Miss You Lurene..text text na lang kung may load ka pa jan sa Heaven..:)

Sa mga nagtatangkang makikiramay....wag na kayong pumorma...matagal na kaming naka move on...hehehe..salamat na lang sa pagbabasa ng pitak nato...Kitakits pips!


UPDATE [n. uhp-deyt]- if you're feeling empty and you miss people around blogosphere.update.Syn.ADIK

Friday, August 21, 2009

SALAMAT (cozy)



Babala:*Ang entry nato ay bawal sa mga KJ * lols

Teka pabati muna...Musta?ok ka lang ba?may balita ka bang gustong sabihin sa mga absent sa blogosperyo tulad ko?may alam ka ba?i-comment mo na yan wag mo nang pigilan, chismoso ako ngayon....lols.

Eeeeeeeeeniweeeeeey,sabi ng mga galit saken nung nagsaboy daw ng kagwapuhan si bathala , busy ako sa paghakot ng kalokohan kaya di ko naabutan. (mapanglait talaga mga galit sa aten eno.lols) di nila alam , nung nagsabog naman ang KABLOGS ng gantimpala,nasalo ko naman ang “gwapo mo AWARD” na yan . san ka pa! sinong mag aakala?ikaw kumbinsido ka ba?naku wag na! idaan mo na lang yan sa pagsuka..gusto ko man salamin sila ay mabilhan dahil baka kako sila ay nagbulagbulagan ,ganunpaman sa aking isipan napa ismayl ako habang tinatanggap ang karangalan.…wag na kayong kumontra please lang “ikaw na lang kaya maging gwapo” subukan mo lang .sabi ko nga sa kablogs sana sa susunod Yung CUTE award na lang.Gwapo talaga,nakakahiya naman..(blasing).ok tama na ang kasinungalingan…lols.

SALAMAT ulit KABLOGS at sinali nyo ako sampu ng mga blogero.Di mahalaga saken kung ano mang kategorya ang inyong binigay pagkat ang nakapagpataba ng puso ko ay ang panahon inyong pinagtyagaan sa PAGBUO NG GANITONG karangalan.Di nyo ba alam akoy puno ng kasiyahan? dahil tinuon nyo ang award ilang araw bago ang aking kaarawan.ANo pa nga ba ang masasabi ko kundi malaking THANK YOU at sa lahat ng nabahagian,Congratulations senyo.SAnay lumago pa ang miyembro ng kablogs sa blogosperyo. Salamat Lordcm ,kenji,Jen,Yanah at sa lahat ng bumubuo ng Kablogs..Kahit sandali nag feeling gwapo na rin ako..nyahahhaha...(di ko na dapat i-anunsyo na natanggap ko yan pero dahil bilib ako sanyo eto na,buong tapang kong pinaalam dito..hehehe)

Okay

SO much about my being gwapo kuno..(lol)…Gusto ko rin Pasalamatan ang Lahat ng blogero sa bloggywood na patuloy kiniklik link ng blog ko nato,sa mga nag comment ,nag iwan ng mesej sa sibaks at lahat ng dumalaw kahit pa view view lang at lahat ng nasa blogroll ko…kahit di tayo nagkikita ditto sa bahay ko yung iba naman sa inyo nakakasama ko sa Farmbook ,este facebook pala.ganunpaman,muli,salamat..

Salamat din sa pipol sa magulo at masayang plurklandia na nagpabusy sa networking career ko habang inaagiw ang blog ko..hahaha..sa mga plurkers na nasa bloglist ko…from ronturon Joshmarie,Bloom,canky,princesscha,charee,docrio,Haringsablay,gasdude,anamonique,yamanaka,utakmunggo,
pilar,lov at marami pa to yanah ,Stacey,dessa,at higi sa lahat ang mga nag imbita saken sap lurking sina Dhiane,Jentot at ang dati kong studyanteng si John…..Salamat din sa mga warm na kaplurk na wala sa blogroll ko like ARny,Jean,bojoy,Msthey,Muymuy,CHRE (ang mortal kong kakulitan.lols.),Jemmskie,maminudols,jaspi,toyz,si roadfill ng moymoy palaboy,yenei,wellong ,lyzius,leycute,libay,greenpinoy, ralight ,gani at higit sa lahat kay Jaycee …….(takte HONGDOMOO NYO POLOO MOHOROP ILINK MGO PONGOLON NYO..WOW!!!!lilink ko rin pangalan nyo mamya sa opis :)

TEKA…halata bang too much Pasasalamat  ako dito?..hahaha…Senxa na Nagkataon lang espesyal tong araw nato saken kaya kayong LAHAT ay pinasasalamatan ko…ALam nyo naman…BORTDOY KO NGOYOOOON.KOYO POGBOGYON NYO NO OKO.TOTONDO NO NOMON OKO.MOSOYO LONG ONG LOLO NYO…LOL..
SALAMAT SA LAHAT NG BUMATI,BABATI,BUMABATI AT NAGBABATI SA BERTDAY KO.:)

SALAMAT REPAPIPS!!!!..kitakits ditto ulit sa blogosperyo..




Monday, July 20, 2009

EXCUSE MY FRENCH

Hindi naman sa nakalimutan ko ang password ng aking blog…sadyang may bagay lang talaga na dapat unahin kesa sa blogging ……

At yun ay PLURKing….nyahahahaha….

"Ang SOCIAL NETWORKING ay parang SAGING,nagsisimula sa letter S  nagtatapos sa letter G”….hehehe..korni ba?buti alam ko!...lol…kidding apart,ang saging kasi “habang  sinusubo lalong sumasarap” parang networking, kaya siguradong mapaparami ka nang pag sign-up sa anek anek na networking site pag ito’y nasimulan mo na.Ganunpaman,namimiss ko pa rin ang Saging na saba na kinukumpara ko sa blogging dahil marami mang uri ng saging ,malamang,yung paborito mo pa rin  ang iyong babalik balikan…ikaw ?(kani)’nong saging ba ang iyong nais subukan?...

********
Sa mga nagdaang araw madami tayong kaibigan na iniwan ang blogging.yung iba panandalian, meron namang pangmatagalan at yung konting iba,pangkamatayan na…ito marahil ay demonstrasyon na walang permanante sa mundong ito ,tanging sex appeal ko lang talaga ang permanente maniwala ka! nagsasabi ako ng totoo!hahaha

Dun sa mga iniwan na ang blogosperyo…sana ay mag sisi kayo!!!!...lol…ang dadrama nyo..pwede namang umapdate lang tas appear disappear. Wala namang penalty umabsent ewan ko sa inyo!!!..lol.ganunpaman,sana ay magkasalubong pa rin tayong lahat sa FARM ko kahit papano.kung gusto nyo, ineybor nyo ako para madagdagan nman pananim ko at may mag haharvest pag wala ako…hahahaha

***********

ALam kong may utang pa akong iniwan sa blogosperyo kaya dun sa mga nag aabang (kung meron pa) wag kayong mag -alala.Ang drowing na ipinangako ay muntik nang naipako ngunit itoy bubunutin ko sa araw  na kelan? ay akin munang itatago..Hold your horses pipol!

***********

MAiba tayo ng usapan.Bat kaya may taong amoy imburnal ang hininga.o bakit kaya ,ang imburnal ay amoy hininga ng ibang tao..tae!!ewan ko kung imburnal ba ang unang naimbento o hininga pero either way takte!! ambaho talaga ng hininga ng reliever kong Fuddy-duddy na masri (Egyptian) sa opisina…eh inoorient ko pa nman sa mga dapat nyang gawin sa opis kaya kailangan personal distance kami parati..isang buga lang ng hininga nya para akong masusuka....kulang na nga lang ng isang pirma amoy septic tank na ! anak ng dalagang baka!!!…kung itatapat nga ata ang rosas na plastic baka matunaw pa…talagang parusa bago ako lilisan…..

eh san ba kasi ako pupunta at bakit inoorient ko sya?

Bwahahaha..yun talaga ang pinunta ko dito sa klasrum ko…ang ipagmayabang na uuwi na ako sa pinas (evilgrin).I owe this to my self!!!(tawang higante)…matagal ko ang inaantay to at sa wakas next week na ang flight ko..(tawang higante ulit)…

Sa kasalukuyan ay inantay ko na lang ang flight sked ko kaya buong araw lang ako sa flat  walang magawa kaya obvious ba?…nagbablog na nman ako?...hehehe..paikot ikot na nga ako dito sa tatlong sulok ng aking kwarto pero ayus lang kahit uhaw na sa kasabikan,sa pag uwi ko naman si mahal ay mabibilaukan….dahil ang dala kong tsokolate ay limang kaban (at di ko pansin na ang  sinulat ko ay nag rhyme) lol.
**************
(Sabi ng kaflatmate ko habang nanonood kami ng "Benjamin" ni Brad pitt)
SANA GANYAN DIN ANG HOME FOR THE “AGENT” SA PINAS……

hahaha..ayuffff ka Jules!!!!!...kala ko nagbibiro ka lang…eh inulit ulit mo pa..agent pala talaga ang akala mo…AGED hui!!!!.lol..
**************
ejay! This problem for me because Call me mr. reda saiding me why you downing the phone .he nervous.(walahi)i afraid.
Sabi yan ng Egyptian sa akin habang paparating ako sa opisina.

HUWAAAT?!

Nagkaintindihan naman kami ..hahaha

Tagalog translation:Ejay,problema to,tumawag si mr. reda,sabi nya bat mo raw sya binabaan ng telepono.galit sya .natatakot ako.

Maayos naman English nya diba?...lol…

(si Mr. Reda nga pala ay Boss lang naman namin..hahahaha.)

*******

PUMAPLUGGING :mula kay BLOOM

(Bloom kinopy paste ko na mismo para siguradong sakto sa plugging.lol)

Hello friends, readers, lurkers at kung napadaan ka lang..WELCOME!

haweryu? anyway, favor naman :)

KINDLY VOTE FOR MY FRIENDS' VIDEO (pinakamaraming polo na sinuot ng isang tao) entry sa GLOBE'S PARAMIHAN CHALLENGE CLICK HERE to watch. (pramis it's worth watching)

Free lang ang pagboto plus magkakaron ka ng libreng EVERYBODYTXT20 from GLOBE by simply voting! YEP... YOU HEARD IT RIGHT! i mean, READ IT RIGHT!

BUT WAIT! THERE'S MORE! VOTE NOW AND GET A CHANCE TO WIN P10,000! WHAT AN AMAZING OFFER!

ok, advertisement much. haha! this is sooo nakakahiya..

Step 1 : punta lang sa link
Step 2 : click the VOTE tab
Step 3 : Register and VOTE!

Mga GLOBE PREPAID subscribers lang po ang pwede magvote kaya if by any chance na hindi kayo eligible to vote dahil SUN, SMART, TM, TnT o RED ang gamit mo.. WALANG CHANCE NA GANON! dahil siguro naman may friends kayong GLOBE USERS diba? gamitin nyo na lang yung number nila. hello! you're doing them a favor kaya! ang EVERYBODYTXT20 eh 200 text messages sa globe to globe at 10 naman to other networks! SULIT..


Up to AUGUST 1 pa ang voting!

PAKI SPREAD NA LANG! SALAMAT! :)


Friday, June 12, 2009

P A Y A S O

Sa likod ng masKara ay isang hiwaga.

Hirap at sakit ay di alintana 

Utusan mong magpatawa, agad susundin ka.
Basta’t sumaya ka lang di bale na ang kanyang problema.
Yan ang payaso! O ha?..hehe


Sa pagtiis  sa ibayong dagat.
Parang payaso sa buhay na maalat.
Magpanggap na “I’m Fine” kahit sa totoo di naman.
Magkunwaring masaya kahit sukdulan  ang lungkot na nadarama.
lalo pa’t,tuwing gabi walang nahihimas sa kama,Unan lang pwede na!

Sa buhay na ganito,madalas walang aaruga sayo
Kaya iniisip ko,sa tuwing chumorva sakit ko
Bawat saksak ng karayom sa mala singkamas na pwet ko
Ay ang pag-asang gagaling ako at makita pa ang pamilya ko.
Kahit pa madaming ners na ang nakilala ko.:)


ANg bawat tawang bibitawan Ay luhang tinalikuran.
Kaya dedma sa mga problema,hanggat ito’y kaya pa.
Sa oras man ng kalungkutan ,Luha ay di mapigilan..
Sumimangot ka na lang at pamilya ay tawagan.
Wag ka lang sumobra at baka  mamroblema ka naman sa Airtime.

Ang buhay ofw ay parang nasa sirko.
Kilangan masanay ka sa dadanasin mo.
Kahit highest level na ang baho ng katabi mo sa pila
Di bale na,basta't sumuksok ka sa kwarta padala
Buti na lang,may zoom.com na!


Ang mga mahika ko ay di mabilang sa kuko.
kasama ng mga pangarap na binulsa ko lulan ng eroplano.
lahat ng ito’y ilalabas ko
basta’t si amo ay mabayaran ako.
Kahit pa minsan 3 gives ang sahod ko.:)

Bilang isang payaso,kailangan handa ako
Anumang pwedeng ipagawa ng pamilya ko,
Na makakapagsaya sa kanila ay susubukan ko
Wag lang umepal si kumpare sa mahal ko.
At baka pag uwi ko, tatlo na ang dating dalawang anak ko.


Sa lahat ng nanood sa palabas ko dito sa blogosperyo
Alam nyo na kung anong nasa likod ng mga tawa ko.
Wag seryosohin dahil ako pa rin to.
Tinawanan,pinagtawanan,nilait minsan at kinantiyawan.
 Konting saya na mabigay sa inyo ,ako’y nagagalak at bumibisita kayo.

Wag nyong iyakan ang aking nadarama,
Pagkat kailangan ko’y inyong pag unawa at hindi pag ka awa.
Gusto kong mag mukhang masaya kahit sa likod ng maskara ay awa.
Nalulungkot man ang may akda habang ito’y tinitipa,
Natatawa pa rin dahil pagkatapos nito,kakain na naman ako ng chicken adobo.
Kahapon lang yun din ang ulam ko, tuloy tuloy na naman 'to hanggang matapos ang linggo.

Payaso man kami,magtitiis para sa marami.
Kaya konting palakpak lang at papuri ay masaya na kami.

Samahan nyo ako sa panalangin kasama ang 12 milyong OFW
Na lagi sana ay nasa kalagayang maayos tayo
Habang gumaganap sa Sirko ng buhay dito sa entablado
ng pinapanood  at minsa'y kinukutya ng buong mundo.

 
AT dahil ito ay blog ko.
Wag kayong mag react kung sasabihin kong sasali ako sa pakulo dito sa blogosperyo
Pagkat naniniwala ako sa dedikasyon ng thoughtskoto
Kaya sigaw ko,kasabay ng entry na'to at sana'y umabot kay Ginang Arroyo.

“Ako ay payaso,isang OFW,pag asa ng (dating masayahing) pilipinas, sorpresa para sa buong mundo”……

ki-click para bumoto

KALAHOK po ang entry na'to sa PEBA.see posters and print-ads for details .o sya! kitakits mga katoto .